Home METRO Magbayaw na tulak ng droga, tiklo

Magbayaw na tulak ng droga, tiklo

63
0

ISABELA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang magbayaw matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation sa Bernardino St., Purok 2, Ambalatungan, Santiago City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ric”, 52-anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng Barangay Victory Norte, Santiago City; at “Sha”, 40-anyos, walang asawa, secretary ng Corn Buying Station.

Sa direktiba ni PBGen. Mariano Rodriguez, Acting Regional Director ng Police Regional Office 02 o PR02 sa pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga sa ikinasang operasyon ng City Drug Enforcement Unit  katuwang ang Presinto Dos at PDEA Quirino.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 5.6 gramo kabilang ang masking tape at tinatayang nagkakahalaga ng ₱35,414.40 batay sa Standard Drug Price.

Narekober din ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱35,000 na binubuo ng isang tunay na ₱500 bill, isang pekeng ₱500 bill at 34 na piraso ng boodle money na tig-₱1,000.

Kabilang ang tatlong android cellular phones at ITEL, gayundin ang isang tricycle na pinaniwalaang ginagamit nila sa kanilang kalakalan sa droga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here