Home NATIONWIDE Kitty Duterte, muling humiling ng mosyon sa habeas corpus petitions sa SC

Kitty Duterte, muling humiling ng mosyon sa habeas corpus petitions sa SC

64
0

MANILA, Philippines – Naghain si Veronica “Kitty” Duterte ng ikalawang urgent motion sa Supreme Court of the Philippines upang hilingin ang agarang aksyon sa consolidated habeas corpus petitions kaugnay ng kanyang amang si Rodrigo Duterte.

Nilagdaan ni abogado Salvador Paolo Panelo Jr. ng Panelo Law Office ang mosyon para kay Kitty Duterte.

Hiniling ng kampo ni Duterte sa Korte Suprema na resolbahin agad ang mga petisyon at utusan ang gobyerno na mapadali ang agarang pagbabalik ng dating pangulo sa Pilipinas.

“The rule of law demands an immediate resolution to the consolidated petitions,” ayon kay Paolo Panelo.

“The prolonged delay, coupled with the latest developments, has created a constitutional crisis that can no longer be ignored,” dagdag pa sa pahayag.

Sakop ng mosyon ang consolidated habeas corpus petitions sa G.R. Nos. 278763, 278768, at 278798 na inihain noong Marso 12, 2025.

Ayon sa mosyon, mahigit 14 buwan na umano ang lumipas nang walang malinaw na aksyon mula sa Korte Suprema kahit “extraordinary and summary” ang nature ng habeas corpus proceedings.

Binanggit din sa mosyon ang Senate Resolution No. 44 na inaprubahan noong Marso 17, 2026, tungkol sa pagprotekta sa mga Pilipino laban sa umano’y extrajudicial rendition at pagbibigay ng sapat na panahon para sa legal remedies bago ang extradition o surrender proceedings.

Kasunod ito ng tensyon sa pagitan ni Sen. Ronald dela Rosa at ng National Bureau of Investigation kaugnay ng tangkang pagpapatupad umano ng ICC arrest warrant sa loob ng Senado noong Mayo 11, 2026.

Iginiit ng kampo ni Duterte na ipinapakita ng insidente ang agarang pangangailangang resolbahin ang mga petisyon upang maiwasan umano ang mas malalim na constitutional disputes sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at law enforcement authorities.

Hiniling din sa Korte Suprema na ideklarang “illegal and unconstitutional” ang umano’y pag-aresto, rendition, at patuloy na detensyon kay Duterte at utusan ang mga respondent na gawin ang lahat ng hakbang para sa kanyang agarang pagbabalik sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here