MANILA, Philippines – Tumawag si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay Senate President Alan Peter Cayetano upang mangamusta sa gitna ng nangyayaring kaguluhan sa Senado nitong Miyerkoles ng gabi.
Sa isang Facebook live, kinumpirma ni Cayetano ang pagtawag ni Marcos at ang presensya nila Secretary of Interior of Local Government Jonvic Remulla at PNP Chief Jose Melencio Nartatez sa Senado para pahupain ang tensyon doon.
Kinumpirma rin umano ng Pangulo kay Cayetano na hindi umano mula sa gobyerno ang puwersang sinasabing nanggulo doon.
Nagbigay detalye rin si Cayetano sa kalagayan ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na nasa maayos na kalagayan at hindi umano siya aarestuhin,
Sinabi ni SILG Remulla na gagalangin nila ang naging desisyon ng Supreme Court na nagbibigay ng tatlong araw para pagkomentuhin ang gobyerno sa hirit ni Sen. Bato na Temporary Restraining Order kontra sa arrest warrant ng ICC kay Bato.
“So far everyone is safe, walang balitang sugatan sa gun shot,” pagdedetalye pa ni Cayetano sa kanyang FB Live. RNT