Home HOME BANNER STORY Remulla sa kaguluhan sa Senado: We do not know who is behind...

Remulla sa kaguluhan sa Senado: We do not know who is behind this, but we will find him

68
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Humarap sa media sina Secretary of Interior and Local Government (SILG) Jonvik Remulla at Senate President Alan Peter Cayetano kasama ang ilan pang mga senador upang magbigay ng kabuuang kaganapan sa nangyaring kaguluhan sa Senado nitong Miyerkoles nga gabi,

“At 7:46 pm, armed men tried to enter the second floor (of the Senate) but was stopped by the OSAA (Office of the Sergeant-at-Arms), they have firearms with them, but the OSAA fired a warning shot,” ani SILG Remulla.

(c) Cesar Morales

Kimunpirma ni Remulla na walang sugatan o nasawi sa nasabing kaguluhan, at sa ngayon ay inaalam pa ang bilang ng mga armadong kalalakihan na nanggulo sa Senado.

“No one was hit, no one was wounded, no one was killed,” giit ng kalihim.

Sa ngayon iniaalam na nila kung sino ang nasa likod ng insidente, at pinasisiguro na ang mga kopya ng CCTV sa Senado maging sa katabing building ng GSIS.

Ani Remulla na inatasan umano siya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na pumunta sa Senado para siguruhin ang seguridad ng mga senador kahit sinoman sila, kasama si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, na siniguro rin niyang hindi aarestuhin bagkus ay puprotektahan nila ito.

Siniguro rin ng kalihim na hahanapin nila ang nasa likod ng kaguluhan.

“We do not know who is behind this, but we will find him.”

Sa panig naman ni SP Cayetano, sinabi niya na magsasagawa ng sweeping operation o susuyurin ng kapulisan ang mga palapag ng Senado.

Dagdag pa ni Cayetano na mayroon na umano silang inisyal na deskripsyon ng mga taong nasa likod na kaguluhan at titignan na ito ni SILG Remulla.

Samantala, sinabi ni Remulla na nagpapahinga na si Sen. Bato sa Senado matapos ang mga kaguluhan sa Senado. RNT

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here