Home HOME BANNER STORY PBBM sa gulo sa Senado: Kalma lang po

PBBM sa gulo sa Senado: Kalma lang po

89
0

MANILA, Philippines – Nagbigay ng update si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ukol sa nangyaring kaguluhan sa Senado nitong Miyerkoles ng gabi kung saan nagkaroon ng barilan sa hindi pa malamang mga salarin laban sa Office of the Sergeant-of-Arms.

Sa bidyo ni PBBM na ibinahagi sa kanyang Facebook Page, sinabi niya na nakamonitor siya sa mga nangyayari ng higit sa dalawang oras.

“Hindi po gobyerno ang gumawa nito. Walang pumasok na taga-labas na sundalo, na militar, na NBI sa Senado. Hindi po natin alam kung sino ‘yong pumasok kaya nagkaputukan. Aalamin po natin,” anang Pangulo.

Nang malaman niya umano ang gulo sa Senado ay tinanong niya sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation kung mga tauhan nila ang nasa likod ng kaguluhan na kapwa naman tumugon nang hindi.

Aniya pa, nauna na niyang inatasan ang NBI na lisanin ang Senado at huwag arestuhin si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa bunsod ng naging desisyon ng Korte Suprema sa hirit ng senador na pagpapalabas ng Temporary Restraining Order kontra sa pagpapatupad ng ICC kung saan inatasan ng SC ang gobyerno na magkomento rito sa loob ng 72 oras.

“Nais kong maipalam sa ating mga kababayan na itong pangyayaring ito ay tayo ay maging kalma lang po. Nakausap ko na si Senate President Alan Cayetano at nag-agree kami to all to come done,” anang Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo na sabay nang mag-iimbestiga ang Senado at kapulisan. “We will get to the bottom of this. Aalamin natin kung sino ang nasa likod ng gulong ito,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa huli, muling nanawagan ang Pangulo sa publiko na kumalma.

“Kalma lang ho, asahan niyo po ang ating gobyerno.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here