Home NATIONWIDE SPD tutugon sa reklamo ni Sen. Sotto

SPD tutugon sa reklamo ni Sen. Sotto

52
0

MANILA, Philippines – Rerespondehan ng Southern Police District (SPD) ang reklamo ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos niyang igiit na nabigo ang pulisya na kontrolin ang “unruly crowd” sa labas ng Senado noong insidente noong Mayo 13.

Nauna nang naglabas ng saloobin si Sotto sa Facebook, kung saan sinabi niyang inatake siya ng mga raliyista habang nasa loob ng kanyang sasakyan palabas ng Senate complex.

“I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd, allowing them to assault me while inside my vehicle when I was about to exit the Senate,” aniya.

Dagdag niya, “banged my vehicle repeatedly, threw bottles and cursed foul remarks” ang ginawa ng ilang raliyista, at wala umano siyang bodyguards noon.

Kinuwestiyon din niya ang dami ng pulis sa lugar, “Ilang truck na PNP ang nakadeploy sa Senate, tapos ganito?”

Bilang tugon, sinabi ng SPD na seryoso nitong tututukan ang reklamo at rerepasuhin ang deployment at aksyon ng mga pulis noong insidente.

“The SPD recognizes the sentiments raised regarding the alleged disorderly behavior of some rally participants and the unfortunate experience encountered while exiting the Senate area,” ayon sa pahayag.

Magkakaroon din ng imbestigasyon ang SPD at magpapatupad ng angkop na hakbang batay sa magiging resulta upang mapahusay ang pamamahala sa mga public assembly.

Pinaalalahanan din ng SPD ang publiko na pairalin ang pag-iingat at disiplina sa mga pagtitipon, at iginiit na bagama’t protektado ang karapatang magtipon nang mapayapa, hindi palalampasin ang karahasan at kaguluhan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here