Home HOME BANNER STORY Nasaan na si Sen. Bato? Senator, PNP may magkaibang impormasyon

Nasaan na si Sen. Bato? Senator, PNP may magkaibang impormasyon

194
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Matapos ang kaguluhan na nangyari sa Senado nitong Miyerkoles ng gabi, Mayo 13, 2026, mayroong lumalabas na magkaibang papahayag ukol sa kinaroroonan sa ngayon ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Sa mga ulat na naglabasan, kinumpirma ng isang hindi pinangalanan na senador nitong Huwebes na umalis na sa Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos ang insidente ng pamamaril noong Miyerkules ng gabi, kung saan sinabing lumabas umano siya bandang 2:30 a.m. ayon sa isang kawani ng Senate secretariat.

Gayunman, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP), na nananatili pa umano si Dela Rosa sa loob ng Senado noong madaling araw, at nang umalis ang mga pulis bandang alas-2, dalawa na lamang ang natitirang senador sa loob ng gusali, kabilang siya.

Nilinaw ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na patuloy pang beripikasyon ang galaw ng mga tao sa loob ng Senado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente ng pamamaril noong Mayo 13.

Agad namang nagpatupad ng full security response kabilang ang pag-deploy ng Explosive Ordnance Disposal team, Scene of the Crime Operatives, at mga imbestigador. Nakarekober ang mga awtoridad ng M16 rifle magazines at mga basyo ng bala bilang ebidensya na kasalukuyang sinusuri ng mga forensic experts.

Normal na ang operasyon ng Senado ngunit nananatili ang mahigpit na seguridad sa lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here