Home NATIONWIDE Presensya ng Marines sa Senado habang nagkakagulo, nilinaw ng AFP

Presensya ng Marines sa Senado habang nagkakagulo, nilinaw ng AFP

83
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng mga Marine commandos sa loob ng Senado noong insidente noong Mayo 13, at sinabing ito ay sa kahilingan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na siyang nangangasiwa sa seguridad ng kapulungan.

Ayon sa AFP, ang mga sundalong nakita sa loob ng Senado ay miyembro ng Marine Security & Escort Group (MSEG) at tumulong sa pag-secure ng pasilidad.

“The soldiers seen inside the building were called by the OSAA to assist them in securing the facility,” ayon sa AFP.

Dagdag pa nito, may regular na security detail ang AFP sa mahahalagang gusali at instalasyon ng pamahalaan.

“The AFP maintains an institutional security detail at vital government installations, facilities, and landmarks,” ayon pa sa pahayag.

Ang paglilinaw ay kasunod ng pagpapaputok ng mga bala sa loob ng Senado kung saan naroon si Senator Ronald “Bato” dela Rosa matapos ang tensyon kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

Ilang senador ang nagbanggit ng posibilidad na sangkot ang National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente, ngunit mariin itong itinanggi ng ahensya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here