Home HOME BANNER STORY Buntis, 9-anyos, nanay dedo sa sunog sa Navotas

Buntis, 9-anyos, nanay dedo sa sunog sa Navotas

87
0

MANILA, Philippines – Tatlong babaeng miyembro ng isang pamilya, kabilang ang isang menor de edad at isang buntis, ang nasawi matapos masunog ang isang residential area sa Barangay Tangos South, Navotas City nitong Huwebes ng madaling araw, Mayo 14.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (Bureau of Fire Protection) ang mga nasawi bilang isang 45-anyos na ina, ang kanyang 20-anyos na buntis na anak, at isang siyam na taong gulang na bata.

Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ang mga biktima sa loob ng banyo ng kanilang nasunog na bahay sa L. Santos Street, M. Alaysay, Barangay Tangos South.

Umabot sa unang alarma ang sunog bandang 3:57 a.m. at mabilis na lumala sa ikalawang alarma pagsapit ng 4:21 a.m., bago tuluyang ideklarang under control bandang 5:17 a.m.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga fire officials ang sanhi ng sunog at ang lawak ng pinsala sa lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here