Home METRO Sunog sa residential area sa QC, umabot sa ikaapat na alarma

Sunog sa residential area sa QC, umabot sa ikaapat na alarma

84
0

MANILA, Philippines – Umabot sa ikaapat na alarma ang isang sunog sa residential area sa East Riverside Street, Barangay Paltok, Quezon City nitong Huwebes ng umaga, Mayo 14, habang patuloy na inaapula ng mga bumbero ang apoy.

Ayon sa initial monitoring, isinailalim sa verification ang insidente bandang 9:05 a.m., at makalipas ang ilang minuto ay nakitaan na ng usok bandang 9:08 a.m.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang alarma sa unang antas bandang 9:10 a.m., sumunod ang ikalawang alarma bandang 9:11 a.m., at ikatlong alarma bandang 9:25 a.m., bago umabot sa ikaapat na alarma bandang 9:34 a.m. dahil sa paglakas ng apoy sa lugar.

Patuloy ang operasyon ng mga bumbero upang hindi kumalat ang sunog sa mga kalapit na kabahayan.

Wala pang inilalabas na ulat ang mga awtoridad hinggil sa posibleng nasawi, nasaktan, o lawak ng pinsala habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pag-apula sa sunog. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here