Home NATIONWIDE Mayor Vico sa kaguluhan sa Senado: For now, all we can do...

Mayor Vico sa kaguluhan sa Senado: For now, all we can do is watch and pray for our country

91
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pasig City Mayor Vico Sotto ng kalmadong pag-iisip at pagninilay kasunod ng insidente sa Senado noong Mayo 13, kung saan may mga putok ng baril na narinig sa loob ng gusali sa gitna ng tensyon kaugnay kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Sotto, sa ngayon ay dapat na lamang umanong obserbahan at ipagdasal ang bansa.

“Ngayon ko lang nakita yung kaguluhan sa Senado. For now, all we can do is watch and pray for our country,” aniya.

Hiniling din niya ang linaw ng isipan at manaig ang konsensiya, lalo na sa mga nasa matataas na posisyon.

“Sana ay malinawan ang ating mga isipan at manaig ang konsensiya ng bawat isa,” dagdag niya.

Kasunod ito ng pagtaas ng security alert matapos ang insidente ng putukan sa Senado. Ayon sa Philippine National Police (PNP), pinalakas ang monitoring at deployment sa lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Mariin namang itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anumang partisipasyon sa operasyon ng pag-aresto sa loob ng Senado. Sinabi rin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na hindi mula sa mga pulis ang narinig na putok.

Nilinaw din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang ahensya ng gobyerno ang inatasang umaresto kay Dela Rosa, at hindi operasyon ng pamahalaan ang insidente.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ano talaga ang nangyari sa Senado at kung may mga indibidwal na nagtatangkang magdulot ng kaguluhan o destabilisasyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here