Home HOME BANNER STORY Pasay nagdeklara ng Red Alert matapos kaguluhan sa Senado

Pasay nagdeklara ng Red Alert matapos kaguluhan sa Senado

48
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng red alert ang pamahalaang lungsod ng Pasay dahil sa umiinit na sitwasyon sa paligid ng Senado.

Ayon sa abiso ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office (PCDRRMO), inilagay sa heightened alert ang iba’t ibang ahensya upang maging handa sa agarang responde sa anumang insidente.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na naka-standby ang mga emergency response team, rescue personnel, traffic management units, at iba pang city departments para sa posibleng deployment at koordinasyon sa law enforcement authorities.

Hinimok din ng alkalde ang mga residente, manggagawa, motorista, at mga bisita na manatiling alerto, makipagtulungan sa mga awtoridad, at bantayan ang mga opisyal na anunsyo at updates tungkol sa sitwasyon.

Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaraan sa mga pangunahing kalsada malapit sa Senado na asahan ang mabigat na trapiko at posibleng pansamantalang road control operations habang nagpapatuloy ang seguridad sa lugar.

Tiniyak ng pamahalaang lungsod na tuloy-tuloy ang koordinasyon ng mga ahensya upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here