Home NATIONWIDE Mayo 18 huling araw ng voter registration para sa BSKE – Comelec

Mayo 18 huling araw ng voter registration para sa BSKE – Comelec

84
0

MANILA, Philippines – May hanggang Mayo 18 na lamang ang mga Pilipinong nais bumoto sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) para magparehistro sa Commission on Elections.

Ayon sa Comelec, bukas araw-araw kabilang ang weekends at holidays ang voter registration mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. sa Offices of the Election Officer at mga satellite registration sites sa buong bansa.

Tumatanggap ang Comelec ng mga aplikasyon para sa:

-bagong registration

-change of name at status

-correction of entries

-reactivation ng records

-inclusion at reinstatement ng pangalan sa listahan ng botante

-updating ng records ng PWDs, senior citizens, IPs at ICCs

-transfer mula overseas papuntang local registration

Hindi naman pinapayagan ang local transfer ng registration records sa kasalukuyang registration period.

Para makapagparehistro:

-Dapat 18-anyos pataas sa araw ng barangay elections

-Para sa SK elections, dapat 15 hanggang 30-anyos lamang sa araw ng halalan

-Residente ng Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon bago ang eleksyon

-Residente ng lugar na pagbobotohan nang hindi bababa sa anim na buwan

-Hindi idineklarang “insane” o “incompetent”

-Walang final judgment na may parusang higit isang taon o kasong may kinalaman sa pagkawala ng karapatang bumoto

Kailangan ding magdala ng kahit isang valid government-issued ID gaya ng National ID, passport, driver’s license, Postal ID, PWD ID, Senior Citizen ID, PRC ID, SSS/GSIS UMID, student ID, NBI clearance, at iba pa.

Batay sa datos ng Comelec, umabot na sa 4,740,551 aplikasyon para sa voter registration ang natanggap mula Oktubre 20 hanggang Mayo 9.

Ipinagpatuloy ang voter registration noong Nobyembre 20, 2025 kaugnay ng BSKE na gaganapin ngayong Nobyembre. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here