Home NATIONWIDE “Monumental blunder” at kawalan ng hustisya: Pagtakas ni Sen. Bato sa Senado,...

“Monumental blunder” at kawalan ng hustisya: Pagtakas ni Sen. Bato sa Senado, binatikos ng Makabayan bloc

66
0

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng Makabayan bloc ang pagtakas ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa loob ng Senado sa gitna ng paglabas na ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Sa isang joint press statement, tinawag nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago, at Kabataan Rep. Atty. Renee Louise Co ang insidente bilang isang “monumental blunder” at malaking sampal sa mga biktima ng madugong war on drugs.

“The fact that a person wanted by an international tribunal for crimes against humanity could slip out of a heavily secured government institution is a major failure of the Marcos Jr. administration and the Senate leadership,” ayon sa grupo.

Binigyang-diin ng mga mambabatas na hindi lamang ito simpleng pagkakamali sa seguridad kundi isang malinaw na indikasyon ng umiiral na kawalan ng pananagutan o impunity para sa mga makapangyarihan.

“Ito ay isang national embarrassment” ayon sa Makabayan Bloc.

Duda rin ang grupo na ang naganap na barilan sa paligid ng Senado ay posibleng  ginamit na “diversionary tactic” at timing para makalabas ang senador.

“The reported shooting incident raises serious questions on whether it was staged or exploited as a diversion to cover an escape. Dapat linawin ng Senado at ng PNP kung ginamit ang insidenteng ito bilang panakip-butas.”

Hiniling ng Makabayan bloc sa administrasyong Marcos Jr. na gamitin ang lahat upang matunton at maaresto si Dela Rosa para harapin ang kanyang kaso sa The Hague.

“Hindi dapat maging kanlungan ng mga pinaghihinalaang kriminal ang Senado,” giit ng mga mambabatas.

Giniit din ng grupo na patunay lamang ng bulok na sistema ng pulitika sa bansa ang nangyari sa Senado kung saan ang hustisya ay madalas na nakabase sa alyansa ng mga nasa kapangyarihan. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here