MANILA, Philippines – Kinondena ni Senator Risa Hontiveros ang insidente ng putukan sa loob ng Senado noong Miyerkules ng gabi at sinabi na may mga “bad faith actors” na ginagawang isyu ang pag-uwi ng ilang senador upang protektahan si Senador Ronald dela Rosa.
Ayon kay Hontiveros, “There is only one reason some bad faith actors are trying very hard to make this controversial event about other Minority senators and me, and the times we went home. All this for a man who simply doesn’t want to face the law. That’s it. That’s the whole story.”
Dagdag niya: “Ito po ang katotohanan: tapos na ang session, kaya umuwi na ang mga empleyado. Ako, lumipad papuntang probinsya para sa scheduled na conference. Ang mga colleagues sa Minority, ang aming mga staff, pati ang marami sa aming mga katrabaho ay nag-uwian dahil tapos na ang trabaho.”
Sinabi rin niya, “Wag naman nilang gamitin sa pamumulitika ang pag-uwi ng ating Senate employees, who are doing an honest day’s work.”
Sa kasagsagan ng tensyon kung saan may narinig na putok ng baril, nagtungo sa kanilang mga opisina ang ilang miyembro ng Senate majority bloc kabilang si Senate President Alan Peter Cayetano.
Nag-live din si Cayetano sa Facebook at nagsabing nanatili sila sa Senado habang hinihintay ang pagdating ng Articles of Impeachment laban kay Sara Duterte.
Nauna nang inilagay si dela Rosa sa “protective custody” ng Senado matapos maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court laban sa kanya. Kinumpirma rin na nakalabas siya ng Senado bandang 2:30 a.m. nitong Huwebes.
Isa si Hontiveros sa limang senador na nanawagang sumuko si dela Rosa sa mga awtoridad.
Aniya, “the People’s House” ay “turned into a shooting range,” at tinawag itong “desecration” ng institusyon at tiwala ng publiko.
“What a historic low for our country,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Hontiveros na, “We, senators, are mere stewards of the Senate. The Senate belongs to the Filipino people, so no one gets to act like they own the place, much less barricade themselves inside it.”
Muli niyang hinikayat si dela Rosa na makipagtulungan sa mga awtoridad “para maiwasan ang panibagong karahasan at tensyon sa loob man o labas ng Senado.”
Dagdag pa niya, “We need to get to the bottom of this. The Filipino people deserve a full, independent, and unobstructed accounting. Walang takipan.” RNT/MND