MANILAl, Philippines – Inatasan ng Korte Suprema ang Senate Blue Ribbon Committee na mag komento sa petisyon na humihiling na ilabas ang flood control probe report.
Kinumpirma ito kasunod ng pagbabago sa liderato ng Senado noong Lunes.
Ayon sa pahayag ng petitioner na si Marvin Aceron, na maaaring pagpalit ng liderato anumang oras ngunit ang ulat na ito ay isang mapagkukunan na dapat manatili anuman ang pagbabago sa pamunuan.
Sa Resolusyon na may petsang April 29, 2026 ang Kataas-taasang Hukuman ay inatasan ang respondents na mag komento sa loob ng 15 araw mula sa pagtanggap ng notice.
Tinanggihan din nito ang kahilingan para sa pag-isyu ng temporary restraining order na layuning panatilihin ang lahat ng bersyon ng draft habang hinihintay ang resolusyon.
Binigyang-diin ni Aceron na ang kaso ay maaaring maging isang mahalagang precedent sa pagpapalawak ng access ng publiko sa impormasyon mula sa lahat ng sangay ng gobyerno.
Noong Marso, hiniling ng mga petitioner ang pag-isyu ng writ upang utusan ang Senado na ilabas ang hindi na-redact na ulat.
Bukod kay Aceron, kabilang sa mga petitioner sina Sikini Labastilla at Purificacion Bartolome-Bernabe, na nagsampa ng kaso bilang mga mamamayan at sa kanilang propesyonal na kapasidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden