Home SPORTS Villasis kampeon sa Mixed Senior Classified Masters ng 58th MTBA Open

Villasis kampeon sa Mixed Senior Classified Masters ng 58th MTBA Open

83
0

MANILA, PHILIPPINES – Ibinandera ni Ric Villasis ng TBAC-CBA ang kanyang golden performance upang maibulsa ang kampeonato sa Mixed Senior Classified Masters sa patuloy na umiinit na bakbakan sa 58th MTBA Open Tenpin Bowling Championships na ginaganap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Tumanggap si Villasis ng tumataginting na P60,000 champion cash prize at isang napakagandang trophy sa prestihiyosong event na suportado ng Philippine Sports Commission, Remate Dyario ng Masa, Congressman Arjo Atayde, Lion’s Bowling Club, Viking, Vafiant Bowling Club, PDF, U&I Bowling Club, SLETBA We Are Family, CHARIS ZAIDE & JAMES TONGOL, Bowl Shower, UBL, Greenfield, Manila Tenpin Bowler’s Association, Bowlkadas, Philippines Senior Bowling Association, Robust, Friends in Bowling at JM Realty and Lending Corporation.

Para makuha ang karangalan, umiskor si Villasis ng 1,703 na may 100 points lang na kalamangan sa hinirang na 1st runner up na si Lynn Tan (1,603), pambato ng PBA.

Tumaggap si Tan ng cash prize na P30,000 at isang napakagandang trophy.

Nagpakitang gilas din si Nelia Santos ng PBA na sumungkit ng P15,000 cash prize bilang 2nd runner up sa iskor na 1,598.

Kinapos lang ng apat na puntos si Sam Eguia ng MTBA Valiant (1,594) sa pagtatangka nitong makuha ang 3nd runner up dahilan para bumagsak ito bilang 4th runner up ng event na may premyong P8,000 plus trophy.

Naitakas ni Par Pineda (PSB) sa iskor na 1,577 ang 5th runner award habang sina Michelle Im (PSB-HBG), Ben Williams (ACTBA-HBG) at Frank Bodon ng PSB ang hinirang na 6th, 7th at 8th place winners, ayon sa sa pagkakasunod-sunod.

Tumanggap si Pineda ng cash prize na P5,000 habang ang natitirang tatlo ay binigyan ng tig-4,000 para sa kanilang matapang ng pagsagupa sa nasabing event.

Binati ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association (MTBA) President Benny Antiporda ang mga nanalo habang binibigyan niya ito ng kani-kanilang mga napanalunang awards.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here