Home NATIONWIDE Dagdag presyo sa langis posible sa susunod na linggo

Dagdag presyo sa langis posible sa susunod na linggo

81
0

MANILA, Philippines – Posibleng tumaas muli ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos magpatuloy ang paggalaw paitaas ng presyo sa world market sa ikatlong araw ng trading.

Batay sa unang tatlong araw ng trading, umabot na sa:

  • P1.90 kada litro ang dagdag sa diesel

  • P0.75 kada litro ang dagdag sa gasolina

  • P0.20 kada litro naman ang bawas sa kerosene

Nangyari ito matapos sabihin ni Donald Trump na nasa alanganin na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Amerika at Iran.

Gayunman, sinabi ni Leo Bellas, presidente ng Jetti Petroleum, na hindi pa tiyak ang magiging rollback o dagdag-presyo dahil may natitira pang dalawang araw ng trading.

Ayon kay Bellas, nakatutok din ang merkado sa magiging resulta ng pagpupulong nina Donald Trump at Xi Jinping sa Beijing. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here