Home NATIONWIDE TRO sa Senate flood control report, tinanggihan ng SC

TRO sa Senate flood control report, tinanggihan ng SC

75
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Supreme Court ang hiling na temporary restraining order (TRO) para mapanatili ang orihinal na bersyon ng draft partial report ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa halip, inutusan ng SC ang Senate Blue Ribbon Committee, na pinamunuan noon ni Panfilo Lacson, na magsumite ng komento sa loob ng 15 araw kaugnay sa petisyong inihain nina lawyers Eldrige Marvin Aceron, Sikini Labastilla, at Purificacion Bartolome-Bernabe.

Noong Mayo 12, kinumpirma ng Office of the Ombudsman na natanggap nito ang partial committee report mula sa opisina ni Lacson para sa posibleng paggamit sa mga imbestigasyon kaugnay ng flood control projects.

Hiniling ng mga petitioner na mapreserba ang orihinal na draft report na may lagda nina Juan Miguel Zubiri, JV Ejercito, at Sherwin Gatchalian.

Ayon sa mga abogado, hindi na maaaring gamitin ang “deliberative process privilege” dahil ilang beses nang ibinunyag ni Lacson sa publiko ang laman ng ulat.

Sinabi rin nila na inirerekomenda umano ng draft report ang pagsasampa ng kasong plunder at iba pang kaso laban kina Francis Escudero, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, at dating Ako Bicol Representative Zaldy Co.

Batay sa mga ulat, binawi nina Zubiri, Ejercito, at Gatchalian ang kanilang pirma matapos ma-leak sa publiko ang draft report noong Pebrero 3.

Kasama naman sa mga lumagda sa partial report sina dating Senate President Vicente Sotto III, pati sina Bam Aquino, Risa Hontiveros, Erwin Tulfo, at Kiko Pangilinan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here