Home NATIONWIDE Sen. Bato ‘di tumakas, malayang umalis ng Senado – SP Cayetano

Sen. Bato ‘di tumakas, malayang umalis ng Senado – SP Cayetano

92
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes na hindi “tumakas” si Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa Senado dahil wala namang inilabas na lokal na warrant of arrest laban dito.

“Mali ‘yung word na escape because there’s no warrant eh…‘Di ba, there’s no warrant. So, he’s free to go,” ani Cayetano sa mga mamamahayag.

“He did not escape…he chose to leave…When you escape, you are under arrest, under detention,” dagdag niya.

Nasa ilalim ng protective custody ng Senado si dela Rosa matapos umanong tangkaing ihain ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court kaugnay ng kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cayetano, ipinaalam sa kanya ni Senador Jinggoy Estrada bandang 1:27 p.m. na wala na si dela Rosa sa loob ng Senado kaya agad niyang ipinaberipika ito sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms.

Ibinahagi rin ni Cayetano na nakatanggap siya ng mensahe mula sa asawa ni dela Rosa na nagsabing “took the opportunity [to escape] when chaos ensued, and shots were fired.”

“Everyone, including his wife, used the word escape but actually, he did not escape. I mean in the technical legal sense. If you’re talking in the colloquial sense, na hawak kita, escape, then correct naman yan,” ani Cayetano.

Nauna nang sinabi ng isang senador na tumangging magpakilala na umalis si dela Rosa sa Senado bandang 2:30 a.m. nitong Huwebes.

Kinumpirma rin ng Malacañang na may mga ulat na wala na si dela Rosa sa Senado. Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, bineberipika pa ng mga awtoridad ang impormasyon.

“As of 11:09 a.m., several sources confirmed that the senator, Senator Bato, is no longer in the Senate premises, but we’re still getting official confirmation on the report,” ani Castro.

Samantala, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ligtas si dela Rosa at nasa ilalim ng security protection matapos ang tensyon at lockdown sa gusali ng Senado.

Nagkaroon ng putukan sa loob ng Senate complex noong Miyerkules ng gabi habang naka-lockdown ang gusali. Itinanggi naman ng NBI na may ipinadalang mga ahente sa Senado at sinabing nasa isang three-day fellowship event sa hotel ang kanilang mga opisyal.

Sinabi rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang ibinigay na utos para arestuhin si dela Rosa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here