Home HOME BANNER STORY 3 patay sa pag-atake sa mga airport sa Saudi

3 patay sa pag-atake sa mga airport sa Saudi

5
0

SAUDI ARABIA – Tatlo ang nasawi sa mga pag-atake sa mga paliparan sa Saudi Arabia, ayon sa civil aviation authorities ng nasabing bansa nitong Miyerkules, Oktubre 7.

Sa ulat, isa ang nasawi at walo ang sugatan sa pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh, habang dalawa naman ang nasawi at 28 ang sugatan sa pag-atake sa mga pasilidad sa Abha airport.

Isa sa mga pag-atake ay naganap nitong Miyerkules habang ang isa pa ay noong Martes.

Nangako naman ang Saudi-led coalition na lumalaban sa Houthis na gaganti ito at sinabing ang mga pag-atake ay “will not go unpunished”.

Sa inisyung pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng koalisyon na inatake nito ang mahigit 80 Houthi military sites sa governorates ng Saada, Hodeidah, Jawf at Marib.

Ang mga pag-atake sa mga paliparan sa Saudi ay kabilang sa serye ng mga strike target ang aviation infrastructure.

Inatake rin ng Houthis ang Aden international airport gamit ang ballistic missiles at explosive-laden drones.

Bumagsak ang isang missile sa runway ilang minuto bago lumapag ang flight mula Cairo.

Ang naturang paliparan ang main international gateway patungo sa mga lugar sa Yemen na nasa labas ng kontrol ng Houthi.

Matatandaan na nagaganap ang mga labanan sa Yemen sa mga nakalipas na araw sa Bab el-Mandeb Strait, isang shipping route na naging mahalaga para sa energy exports mula nang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng US at Iran at naapektuhan ang Strait of Hormuz. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here