Home NATIONWIDE Malaking bahagi ng Luzon apektado na ng Northeasterly Windflow

Malaking bahagi ng Luzon apektado na ng Northeasterly Windflow

3
0

MANILA, Philippines – Apektado na ng northeasterly windflow ang malaking bahagi ng Luzon habang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang nakakaapekto sa Visayas, Mindanao, at Palawan.

Ayon sa PAGASA, ngayong Huwebes, Oktubre 8, ang Visayas, Mindanao, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.

Ang Cagayan Valley, Bicol Region, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, at Marinduque ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Northeasterly Windflow.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here