Home NATIONWIDE 320,000 customer sa Luzon sapul ng rotational brownout – Meralco

320,000 customer sa Luzon sapul ng rotational brownout – Meralco

102
0

MANILA, Philippines — Tinatayang 320,000 customers ang naapektuhan ng rotational power interruptions matapos ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert ang Luzon grid noong Huwebes, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Sinabi ng Meralco na ang mga rotating brownout na maaaring tumagal ng hanggang dalawang oras sa ilang lugar ay ipinatupad sa mga bahagi ng Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila, Pampanga, Quezon, at Rizal hanggang alas-7:00 ng gabi.

“As of 7:00 PM, this has affected more than 320,000 customers in parts of Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila, Pampanga, Quezon and Rizal,” ayon sa pahayag ng Meralco.

Dagdag pa ng kumpanya, nakatulong ang malalaking kustomer na kasali sa Interruptible Load Program (ILP) na pababain ang demand na may kabuuang de-loading capacity na nasa 270 megawatts.

Patuloy umanong mino-monitor ng Meralco ang sitwasyon at pinamamahalaan ang power system, at magbibigay sila ng mga update kung kinakailangan.

Ang rotational brownouts ay kasunod ng deklarasyon ng NGCP ng red alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon grid. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here