Home NATIONWIDE Luzon at Visayas grid isinailalim sa red at yellow alert

Luzon at Visayas grid isinailalim sa red at yellow alert

67
0

MANILA, Philippines – Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines sa red at yellow alert ang Luzon at Visayas power grids nitong Biyernes dahil sa manipis na power reserves, na nagdulot ng pangamba sa posibleng power interruptions.

Ayon sa NGCP, as of 8 a.m., nasa red alert ang Luzon grid mula alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi, habang nasa yellow alert ito mula ala-1 hanggang alas-3 ng hapon at alas-10 hanggang alas-11 ng gabi.

Naitala sa Luzon ang available capacity na 13,508 megawatts, mas mababa sa inaasahang peak demand na 13,881 MW. Sinabi ng NGCP na 30 power plants ang hindi operational habang 14 pa ang nasa derated capacity, kaya 4,160 MW ang hindi magagamit ng grid.

Dagdag pa ng grid operator, naibalik na ang operasyon ng Tayabas-Ilijan at DasmariƱas-Ilijan 500-kilovolt lines nitong nakaraang linggo, ngunit naghihintay pa ng resynchronization ang mga apektadong planta.

Sa Visayas grid naman, nasa red alert mula alas-5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, habang yellow alert mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon at alas-9 hanggang alas-11 ng gabi.

Nasa 2,441 MW ang available capacity sa Visayas kumpara sa 2,661 MW na peak demand. Ayon sa NGCP, 21 power plants ang nasa forced outage habang 11 pa ang nasa derated capacity, na nagresulta sa 841.3 MW na hindi magagamit na supply.

Ipinaliwanag ng NGCP na naglalabas ng red alert kapag hindi sapat ang suplay ng kuryente upang matugunan ang demand ng consumers at ang regulating requirement ng transmission grid, habang yellow alert naman kapag bumababa ang operating reserves sa contingency requirements. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here