Home HOME BANNER STORY Oil price hike nakaumang sa sunod na linggo

Oil price hike nakaumang sa sunod na linggo

65
0

MANILA, Philippines – Maaari muling tumaas ang presyo ng diesel at gasolina sa susunod na linggo sa Pilipinas, partikular sa Mayo 19, bunsod ng muling pag-init ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa isang industry source, posibleng tumaas ang diesel ng P2 hanggang P2.50 kada litro, habang ang gasolina ay maaaring tumaas ng P0.75 hanggang P1.25 kada litro, batay sa paunang datos mula sa Mean of Platts Singapore at galaw ng foreign exchange.

Sinabi ng source na muling lumakas ang upward pressure sa diesel dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo matapos ang paglala ng geopolitical risks sa Middle East. Nanatili rin umanong “structurally tight” ang diesel market dahil sa pagbaba ng inventories at normal na seasonal demand.

Inaasahan ding tataas ang presyo ng gasolina dahil sa mas mahigpit na global supply bunsod ng pagbaba ng imbentaryo at nabawasang refinery output sa Asia.

Ayon pa sa ulat, nahihirapan ang mga refinery sa rehiyon sa produksyon at napipilitang gumamit ng mas magagaan na klase ng krudo dahil sa kakulangan ng supply mula sa Middle East. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here