Home NATIONWIDE 2 grabe, 16 sugatan sa salpukan ng 3 sasakyan

2 grabe, 16 sugatan sa salpukan ng 3 sasakyan

69
0

Misamis Oriental – Hindi bababa sa 16 katao ang nasugatan, kabilang ang dalawa na kritikal, matapos magsalpukan ang tatlong sasakyan sa Manticao.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na bumangga ang isang bongo truck sa likuran ng trailer truck habang bumangga rin dito ang kasunod na sports utility vehicle o SUV.

Pawang sakay ng bongo truck ang mga nasugatan sa insidente.

Ayon kay Police Regional Office-Northern Mindanao spokesperson Police Major Joann Navarro, nagtamo ng malubhang sugat ang isang lalaking nakasakay sa likod ng truck at isang babaeng nasa passenger side.

Ligtas naman ang mga sakay ng iba pang sasakyang sangkot sa aksidente.

Sa imbestigasyon, lumabas na bumiyahe ang bongo truck mula Cagayan de Oro City patungong Iligan City nang bumangga ito sa isang truck na umano’y ilegal na nakaparada.

Sinabi ni Navarro na hinihintay pa ng mga imbestigador kung sino ang magsasampa ng reklamo kaugnay ng insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here