MANILA, Philippines – Sinara sa mga motorista ang
Bontoc-Baguio National Road sa Sitio Dogo sa Napua, Sabangan, Mountain Province, kasunod ng malaking landslide nitong Biyernes, Mayo 15.
Sa abiso ng Sabangan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), humarang ang mga bato, puno at iba pang debris sa naturang highway madaling araw ng Huwebes dahilan para hindi madaanan ang kalsada.
Inabisuhan ang mga motorista na dumaan na lamang muna sa Nacagang, Sabangan-Abatan/Guinzadan, at Bauko-Mabaay Road.
Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho dahil karaniwang nangyayari ang mga landslide sa lugar lalo na tuwing masama ang panahon.
Nagpadala na ng mga tauhan mula sa Department of Public Works and Highways para sa clearing operations, habang patuloy din na umaasiste ang disaster response teams at police officers sa mga apektadong motorista at residente. RNT/JGC