MANILA, Philippines -Walang footage ng closed-circuit television (CCTV) na nagpapakita ng mga galaw ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at Marines sa insidente ng barilan sa Senado nitong Miyerkules, ayon kay suspended Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca nitong Biyernes, Mayo 15.
Tinanong si Aplasca kung mayroong CCTV footage sa lugar nang mangyari ang insidente.
“As of yesterday, I ordered a review of the CCTV. We couldn’t find the position of the OSAA and the Marines. What we saw was at the last stretch, the tail of our tactical personnel,” sinabi ni Aplasca.
Hindi rin umano niya alam ang patungkol sa sinabi ni Senador Jinggoy Estrada kung saan humiling siya sa staff ng Senado na itago ang CCTV footage.
Sa hiwalay na pahayag ay nilinaw ni Estrada na ang ibig niyang sabihin sa sinabing itago ang CCTV footage ay ingatan ito para maging ebidensya ng insidente. RNT/JGC