SA gitna ng nangyaring SENATE SIEGE ay naglabas ng statement si President Ferdinand Marcos Jr. na nagsasabing wala siyang alam sa nangyayari.
Ayon sa Pangulo, Hindi gobyerno ang gumawa nito. Walang pumasok na taga- labas na sundalo, na militar,na miyembro ng National Bureau of Investigation sa Senado.
Nanindigan si PBBM na “WALA PONG INSTRUCTION KAHIT KANINO NA HULIHIN SI SENATOR BATO DELA ROSA.”
Kung gayon, hindi gobyerno ang gumawa nito sino? Si NBI director MATIBAG at ex-senator TRILLANES lang?
Kung walang utos ang Pangulo na arestuhin si Dela Rosa bakit umaga pa lang ay nasa Senado na ang huhuli sa kanyang mga tauhan ng NBI? Bakit hindi niya agad tinawagan si MATIBAG AT TRILLANES upang hindi arestuhin si Sen. Bato?
Mahirap paniwalaang hindi alam ng pamahalaan ang mga pangyayari. At kung walang utos na arestuhin si Dela Rosa, marahil ay alam naman ni Presidente BBM na may International Criminal Court Warrant na lumabas laban kay Dela Rosa. Kung may kopya si Trillanes bakit walang alam si PBBM?
Ganoon pa man ay inatasan ng Pangulo ang NBI “to pull out of the Senate premises following a Supreme Court resolution and promised the government would investigate to identify who was responsible for the tension.
Pero naunang nagkaroon na ng gulo at marami ang natakot bagaman walang nasugatan.
Ang Presidente ay wala umanong alam sa flood control scam, sa unprogrammed funds, at iba pang issues kaugnay sa katiwaliang sangkot ang kanyang administration. Kailan kaya siya magkakaroon ng “alam”? Kapag hindi na siya ang presidente lalabas ang katotohanan at siya naman ang lilitisin ng mga taong sa ngayon ay silang lumilitis kay Vice President Sara Duterte.
Sa pulitika lalo na dito sa Pilipinas, iba ang tahimik sa walang alam. PERO ang kasalukuyang presidente bukod sa tahimik at laging walang alam. Ibig bang sabihin ay takot siya sa pananagutan o talagang umiiwas lang.






