Home OPINION KORAP VS MAGNANAKAW SA IMPEACHMENT

KORAP VS MAGNANAKAW SA IMPEACHMENT

63
0

MAGSIMULA sa Mayo 18, 2026, kikilos na ang Senado bilang Impeachment Court patungo sa paglilitis sa umano’y korapsyon o pagnanakaw na gawa ni Vice President Sara Duterte.

Pinaratangan ng 257 kongresman si VP Sara nang paglustay o pagkorap umano ng confidential fund na nasa P120 milyon hanggang P600M na confidential fund at pagkakaroon nang hindi maipaliwanag na nasa P6 bilyong yaman at iba pa kaya umabot sa apat na Articles of Impeachment o paglabag sa Konstitusyon at batas ang ginawa umano ng nasabing nasasakdal.

Sa kabilang banda, ayon naman kay Senador Imee Marcos, pinangakuan ang mga kongresman na bumoto sa impeachment ng P5 milyong cash, P3 milyong buwanang Maintenance and Other Operating Expenses at P150 milyong proyekto, bukod pa ang pananakot na makakasuhan ang hindi boboto.

Nauna rito, hindi nag-imbestiga ang mga kongresman sa maanomalyang P1.3 flood control project, kasama ang mga inuutang ng Pilipinas, na in-expose mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang isang State of the Nation Address dahil, ayon mismo kay Ilocos Norte Cong. Sandro Marcos, sila mismo ang pinatutungkulan ng Pangulo.

At hinaluan pa ito ng mga pahayag nina Batangas Congressman Leandro Legarda-Leviste, Navotas City Cong. Toby Tiangco, Caloocan City Cong. Egay Erice at iba pa.

Wala sa hulog na imbestigahan ng mga korap o magnanakaw ang sarili nila at tanging ang Senado ang nagsagawa nito bagama’t hilaw naman ang ending, ayon naman kay Senador Rodante Marcoleta.

Ano nga kaya ang magiging ending ng kasong impeachment ni VP Sara?

Lumalabas kasing iniuugnay si VP Sara sa sari-saring korapsyon at pagnanakaw ngunit sa harap naman ng pag-uugnay mismo ng Pangulo at iba pa sa mga kongresman na may mas malalaki pang korapsyon at pagnanakaw kumpara sa ibinabato kay VP Sara.

Bahala na ang taumbayan sa huli!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here