MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa bansa ang frontal system at localized thunderstorm ngayong Sabado, Mayo 16.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang frontal system sa Batanes at Babuyan Islands.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm.
Samantala, sa huling ulat, ang low pressure area ay namataan sa layong 980 kilometro silangan ng Central Luzon. RNT/JGC