MANILA, Philippines – Binigyan ng Department of Justice (DOJ) ng 48 oras matapos matanggap ang request ang mga sangkot sa nangyaring kaguluhan sa Senado na makapagsumite ng mga ebidensya.
Partikular na inatasan ang Senate Office of the Sergeant at Arms at mga law enforcement agencies kung saan inaasahan ni Justice Secretary Fredderick Vida na matatanggap hanggang sa Miyerkules, Mayo 20, ang mga ito.
Kabilang sa pinasusumite ang ballistic at paraffin test results, CCTV footages, deployment record, communication logs, incident report, witness statement at iba pang forensic and documents evidence.
Umaasa rin ang DOJ sa crowd sourcing evidence tulad ng mga nagkalat na video footages at mga na record ng mga journalist.
Ayon kay Vida, bukas ang tanggapan ng special panel prosecutors para sa pagtanggap ng ebidensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden