Home NATIONWIDE Global cases ng hantavirus bumaba sa 10

Global cases ng hantavirus bumaba sa 10

68
0

MANILA, Philippines – Bumaba sa 10 ang global cases ng hantavirus matapos makumpirma ng US na negatibo ang isang indibidwal na dati’y may inconclusive test, ayon sa World Health Organization (WHO).

Tatlo na ang nasawi mula sa outbreak sa MV Hondius cruise ship na umalis sa Argentina noong Abril 1.

Ang kasalukuyang outbreak ay dulot ng Andes virus, isang bihirang hantavirus strain na maaaring maipasa sa tao sa pamamagitan ng matagal at malapitang kontak.

Walang pagbabago sa virus na nagpapataas ng transmissibility o severely nito, ayon sa WHO.

Sa ngayon ay walang naaprubahang bakuna o antiviral treatment para sa Hantavirus at ang pangangalaga ay nakatuon lamang sa suporta sa pasyente.

Inirerekomenda ng WHO ang 42 araw na quarantine para sa high-risk contacts at self-monitoring para sa low-risk contacts.

Hindi ito maihahambing sa COVID-19 at hindi itinuturing na banta sa pandemya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here