Home NATIONWIDE VP Sara sa PMA grads: Soberanya ng bansa, ipaglaban!

VP Sara sa PMA grads: Soberanya ng bansa, ipaglaban!

37
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga bagong graduate ng Philippine Military Academy (PMA) na ipagmalaki ang bansa at ipagtanggol ang soberanya nito.

“Be the bearers of our nation’s pride, honor, and dignity. I urge you to personify integrity and courage at all times. Stand firm against all threats to our sovereignty and our liberties. Do not waver, even in the face of the most difficult challenges,” aniya.

Ayon pa sa kanya, ang graduation ay bunga ng mahigpit na pagsasanay na puno ng disiplina, sakripisyo, at katapatan sa tungkulin.

“May your service be a testament to your determination to protect our country and uphold the welfare of every Filipino,” dagdag pa niya.

Samantala, nanawagan din si Senador Ronald dela Rosa sa mga kapwa PMA alumni na ipaglaban ang soberanya ng bansa sa gitna ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs case laban sa kanya.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong graduate na umiwas sa pulitika at manatiling tapat sa bansa, hindi sa sinumang indibidwal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here