Home NATIONWIDE Tech, economic security ties, palalakasin ng US-PH

Tech, economic security ties, palalakasin ng US-PH

48
0

MANILA, Philippines – Dadalaw sa Pilipinas si United States Undersecretary of State for Economic Affairs Jacob Helberg upang palakasin ang kooperasyon ng Estados Unidos at Pilipinas sa larangan ng teknolohiya at economic security, ayon sa US Department of State.

Gaganapin ang biyahe mula Mayo 17 hanggang 21, kung saan makikipagpulong siya sa mga opisyal ng gobyerno, pribadong sektor, at iba pang bansa sa ASEAN.

Layunin ng pagbisita na isulong ang “secure, resilient, innovation-driven technology ecosystem,” kabilang ang usapin sa semiconductor at artificial intelligence (AI).

Kasunod ito ng paglagda noong Abril 16 sa Pax Silica Declaration, isang US-led initiative na layuning tiyakin ang ligtas na supply chain para sa semiconductors at AI technologies.

Sa ilalim ng Pax Silica framework, plano ng US at Pilipinas na magtayo ng 4,000-acre industrial hub sa Luzon Economic Corridor na magsisilbing sentro ng manufacturing at investment.

Ayon sa ulat, bibisitahin din ni Helberg ang lugar na inaasahang magiging unang industrial hub na magpapalakas ng global supply chains.

Sa Pilipinas, tatalakayin din ang pagpapatupad ng Economic Security Zone at iba pang development goals ng Luzon Economic Corridor.

Bukod sa Pilipinas, bibisita rin si Helberg sa Singapore para sa ASEAN-US Ministerial Roundtable na tututok sa papel ng AI sa rehiyon at posibleng kolaborasyon sa US AI Exports Program.

Ayon sa US, bahagi ito ng mas malawak na pagsisikap na palakasin ang kooperasyon sa emerging technologies at economic security sa gitna ng mabilis na pagbabago sa global economy. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here