Home METRO 2 suspek sa pagpatay sa doktor, sanggol at kasambahay sa Zambales arestado

2 suspek sa pagpatay sa doktor, sanggol at kasambahay sa Zambales arestado

82
0

ZAMBALES, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagpatay sa tatlong katao sa loob ng isang bahay sa Sta. Cruz, Zambales noong 2024, matapos ang halos dalawang taon ng imbestigasyon.

Ang mga biktima ay si Dr. Lynette Maten Metra, ang kanyang tatlong-buwang gulang na sanggol, at ang kanilang kasambahay, na natagpuang patay sa kanilang bahay sa Purok Maralucap, Barangay Pagatpat noong Disyembre 9, 2024.

Ayon sa pulisya, ang asawa ng doktor ang pangunahing suspek na kinasuhan ng parricide, habang ang isa pang suspek ay kinasuhan bilang co-conspirator sa parricide at hiwalay na murder case.

Naaresto ang asawa sa Barangay San Vicente, Baguio City noong Mayo 15, habang ang ikalawang suspek ay nadakip sa Purok Barracuda, Barangay Pagatpat sa Sta. Cruz noong Mayo 16.

Ayon sa Zambales Police Provincial Office, nagkaroon ng breakthrough sa kaso matapos lumutang ang isang witness na nagbigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek, na naging susi sa pagsasampa ng kaso.

Noong Mayo 13, naglabas ang Regional Trial Court Branch 70 ng warrants of arrest laban sa mga suspek, na kasalukuyang nakakulong sa Sta. Cruz Municipal Police Station habang hinihintay ang mga susunod na legal na proseso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here