Home TOP STORIES Trump: Xi pumayag buksan Strait of Hormuz; China walang kumpirmasyon

Trump: Xi pumayag buksan Strait of Hormuz; China walang kumpirmasyon

58
0

WASHINTON, USA – Sinabi ni US President Donald Trump na pumayag umano si Chinese President Xi Jinping na kailangang muling buksan ang Strait of Hormuz, isang mahalagang daluyan ng langis sa mundo, ngunit walang indikasyon mula sa China na makikialam ito sa isyu.

Pagkatapos ng dalawang araw na pag-uusap sa Beijing, sinabi ni Trump: “I’m not asking for any favors because when you ask for favors, you have to do favors in return.”

Ayon sa ulat, tinalakay rin ang posibilidad na alisin ng US ang sanctions sa Chinese oil companies na bumibili ng Iranian oil, dahil China ang pinakamalaking bumibili nito.

Ang Strait of Hormuz ay mahalagang ruta na dati ay dinadaanan ng humigit-kumulang isang-kalimang supply ng langis at liquefied natural gas sa mundo.

Ayon sa mga ulat, naapektuhan ang pandaigdigang suplay ng langis matapos ang tensyon at military actions sa rehiyon, na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis.

“We don’t want them to have a nuclear weapon, we want the straits open,” ani Trump.

Samantala, hindi direktang kinumpirma ng China ang usapan tungkol sa Iran at Strait of Hormuz, ngunit sinabi ng foreign ministry nito na ang hidwaan ay “which should never have happened, has no reason to continue.”

Ayon sa Iranian officials, may plano umano silang bagong sistema para kontrolin ang trapiko sa strait at pagbabayad ng bayarin para sa mga sasakyang dadaan.

Patuloy ding may tensyon sa pagitan ng Iran, US, at Israel, kabilang ang sanctions, military strikes, at diplomatic negotiations na ngayon ay naka-hold pa rin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here