MANILA, Philippines – Hinimok ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga Pilipinong hindi pa rehistradong botante na magparehistro, dalawang araw bago ang itinakdang deadline ng Commission on Elections (Comelec).
“Make your vote count! Register now! Registration ends on May 18, 2026 at 5 p.m.,” ayon sa PPCRV.
Paalala rin nila na magdala ng valid government ID; tinanggap din ang valid student ID.
Maaaring magparehistro bilang regular voters ang mga edad 18 pataas, habang 15 hanggang 17 taong gulang naman para sa youth voters.
Batay sa pinakahuling datos ng Comelec, umabot na sa 4,740,551 ang applications para sa voter registration mula Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 9, 2026.
Kasama sa mga tinatanggap na aplikasyon ang bagong rehistro, transfer, pagbabago ng status, correction ng entries, at reactivation ng voters. RNT/MND