Home TOP STORIES Canadian pasahero sa cruise ship nagpositibo sa hantavirus

Canadian pasahero sa cruise ship nagpositibo sa hantavirus

58
0

OTTAWA, Canada – Isang Canadian na bumalik mula sa cruise ship na naapektuhan ng hantavirus outbreak ang nakatanggap ng “presumptive positive” na resulta ng test, ayon sa mga awtoridad sa British Columbia, Canada noong Sabado.

“Clearly this is not what we hoped for, but it is what we planned for,” ayon kay Dr. Bonnie Henry, public health officer ng British Columbia.

Hinihintay pa ang kumpirmasyon mula sa National Microbiology Lab sa Winnipeg sa loob ng weekend.

Ang pasyente ay nasa 70s at bahagi ng mag-asawa na parehong na-admit sa ospital sa Victoria matapos makaranas ng banayad na sintomas tulad ng lagnat at sakit ng ulo.

“The patient is stable, the symptoms remain mild at this point. They are still in hospital, in isolation, being monitored and receiving care as needed,” ayon kay Henry.

Ang isa pang kasama ay nagpakita lamang ng “very minor symptoms” at nagnegatibo sa test.

Ayon sa ulat, tatlong tao na ang namatay mula sa outbreak sa cruise ship na MV Hondius, habang 12 kaso na ang naitala, 9 dito ay kumpirmado.

Ang mga Canadian na bumalik sa British Columbia noong Mayo 10 ay kabilang sa apat na pasahero mula sa barko, at lahat ay naka-isolate.

Nilinaw ni Henry na ang hantavirus ay iba sa COVID-19 at hindi itinuturing na may “pandemic potential.”

“I’m confident there’s no additional risk. We are well prepared to respond carefully and appropriately to keep everyone safe,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here