MANILA, Philippines – Sa isang pambihirang pagkakaisa, nanawagan ang mga dating miyembro ng magkatunggaling student political groups sa University of the Philippines—SAMASA at Nagkaisang Tugon—na magbitiw si Senate President Alan Peter Cayetano dahil sa umano’y “grave failure of leadership, judgment, and institutional responsibility.”
Ayon sa kanilang joint statement, ang isyu ay hindi na usapin ng ideolohiya kundi ng integridad ng mga institusyon, partikular sa naging kontrobersiya sa Senado kaugnay kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
“Under his watch, the Senate transformed itself from a constitutional institution into a stage for political theater, confusion, and brinkmanship,” ayon sa grupo.
Dagdag pa nila, ang sitwasyon ay nauwi umano sa kaguluhan, magkakasalungat na pahayag, tensyon na may kinalaman sa seguridad, at usapin ng “protective custody” ni dela Rosa.
Giit ng coalition, hindi maaaring gamitin ang kapangyarihan ng Senado upang protektahan ang mga kaalyado mula sa legal na pananagutan.
“You cannot invoke the Senate’s institutional powers to shield someone from arrest… and then evade accountability when that person disappears,” anila.
Ayon sa kanila, ang ganitong pangyayari ay nakakasira sa tiwala ng publiko sa mga institusyon at nagpapalakas ng paniniwalang hindi pantay ang pagpapatupad ng batas.
“Every spectacle like this weakens democratic norms and erodes public faith that justice applies equally to all Filipinos,” dagdag pa nila.
Sa huli, sinabi ng grupo na kung may pananagutan at “sense of political responsibility” si Cayetano, dapat niyang tanggapin ang pinsalang idinulot ng insidente at magbitiw sa pwesto.
Ang pahayag ay nilagdaan ng 152 dating miyembro ng SAMASA at Tugon. RNT/MND