MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot prize sa major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo, Mayo 17.
Walang nakatama sa winning combination na 27-14-46-18-11-17 para sa Superlotto 6/49 na may jackpot prize na P25 milyon.
Samantala, wala ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58 kaya mananatiling nakataya ang P75 milyong jackpot prize. Ang winning combination nito ay 39-37-35-45-16-52. RNT/MND