Home OPINION BASTE IPAKUKULONG BAGO MAG-2028

BASTE IPAKUKULONG BAGO MAG-2028

3
0

PWEDE nang maging Pangulo ng Pilipinas si Davao City Mayor Baste Duterte mula 2028.

Ipinanganak siya noong Nobyembre 3, 1987 at magiging 40 na siya sa Nobyembre 3, 2027.

Edad 40 ang minimum na edad ng sinomang gustong maging Pangulo.

Simple lang ang mga kwalipikasyon ng kandidatong Pangulo: 1) Likas na mamamayan (Natural-born Filipino citizen) o Pinoy mula’t sapul; Rehistradong botante; Marunong bumasa at sumulat; naninirahan sa Pinas nang hindi bababa sa 10 taon bago ang halalan; at hindi bababa sa edad 40.

Nababanggit natin si Baste, mga brad, dahil pinauuwi na si Vice President Sara Duterte ng kanyang nanay sa Davao at bahala na si Baste sa posisyong nasyonal.

Lalong nababanggit si Baste bilang kahalili ni VP Sara bilang kandidatong Pangulo sa 2028 ngayong nakatakda nang ideklarang guilty sa kasong impeachment si VP Sara at parusa rito ang pagkakasibak sa pwesto at hindi na muling makababalik pa sa anomang pwesto sa gobyerno.

Lalong nababanggit si Baste makaraang lumabas ang sarbey ng Tangere na nangunguna at tabla sa pagka-Pangulo sina ex-Vice President Leni Robredo at Mayor Baste Duterte sa magkaibang anyo ng sarbey

Si Robredo, kasama si Raffy Tulfo bilang Bise Presidente, may boto si Robredo na 29% habang sa sarbey na hindi isinama sina Robredo at Tulfo, 29% rin ang kay Baste.

Ginawa ang sarbey makaraan lang ang pagpapakita ni Baste sa Senate Impeachment Court bilang adverse witness.

Ganyan katindi si Baste laban sa iba.

Ngayon naman, habang pinatatalsik at dinidiskwalipika si VP Sara, may ebidensya o wala sa impeachment, bilang presidential candidate sa 2028, hindi kaya sinisilipan na rin si Baste ng mga dahilan upang ipakulong ito?

Isa na rito ang pagpirma nito sa 19 kontratang “umano’y maaanomalya” ng kompanyang partly owned ni VP Sara at dyowa nitong si Atty. Manases Carpio sa gobyernong lokal ni Baste.

Sisilipan kaya ng kasong may probable cause si Baste sa mga kontrata at iba pa at ipakukulong ng Ombudsman bago mag-2028?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here