Home METRO Binata huli sa aktong bumabatak ng shabu sa Valenzuela

Binata huli sa aktong bumabatak ng shabu sa Valenzuela

45
0

MANILA, Philippines – BAGSAK sa kulungan ang isang binata nang mahuli sa aktong bumabatak umano ng shabu sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Allan”, 26, ng Brgy. Ugong na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa ulat, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 2 sa San Gregorio St., Brgy., Gen T De Leon nang maaktuhan nila ang suspek na gumagamit umano ng droga sa loob ng isang bahay dakong alas-6:30 ng gabi.

Kaagad nila itong nilapitan saka inaresto at nakumpiska sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here