Home NATIONWIDE 3 nasagip sa lumubog na bangka sa Cagayan

3 nasagip sa lumubog na bangka sa Cagayan

39
0

MANILA, Philippines – Tatlong indibidwal ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan ng Pozorrobio, Sta. Ana, Cagayan.

Sa ulat ng PCG, dinala ng search and rescue team ang mga survivor sa San Vicente Port para mabigyan ng atensyon medikal na kalaunan ay idineklarang kapwa nasa maayos nang kondisyon.

Samantala, tulong-tulong na hinila ang bangka ng fishing boat na M/B Irish, M/B Camille at M/B Triple J.

Sakay umano ng bangkang Triple R ang mga biktima na naglalayag mula Bolos Point sa Gattaran, Cagayan patungong San Vicente, Sta. Ana upang mag-deliver ng 60 sako ng palay para ibenta.

Gayunman, dahil sa lakas ng alon ay nasira ang bangka dahilan para pasukin ng tubig na sanhi ng pagtaob nito.

Agad namang nagpadala ng high-speed response boat ang PCG upang magsagawa ng search and rescue operation sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here