Home METRO P1.9M shabu nasamsam sa 2 HVI sa Isabela

P1.9M shabu nasamsam sa 2 HVI sa Isabela

41
0

ROXAS, Isabela – Humigit kumulang P1.9 milyon halaga ng pinaniwalaang shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang High Value Individual (HVI) ang naaresto sa isinagawang search warrant operation ng pinagsanib na pwersa ng Roxas Municipal Police Station, PIU/PDEU-IPPO, RMFB2, 1st IPMFC at PDEA-RO2 Isabela Provincial Office sa Brgy. Lanting, Roxas, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ay nahuli ang mga suspek sina alyas “Orang,” 51-anyos, at alyas “Porman,” 35-anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Bandang alas-4:00 ng hapon nang ipatupad ang search warrant kaugnay ng paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Nasamsam sa operasyon ang mahigit 279 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P1.9 milyon, drug paraphernalia, digital weighing scale, mga plastic sachet, at iba pang kagamitan sa ilegal na droga.

Kabilang ang isang revolver, Glock 17 caliber 9mm pistol, Colt MK IV caliber .45 pistol, mga magazine, at iba’t ibang live ammunition at cartridges.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek at mga nakuhang ebidensya habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here