Home ENTERTAINMENT Jessa, may hanash sa Meralco!

Jessa, may hanash sa Meralco!

115
0

Manila, Philippines – Dahil sa init ng panahon, at ipinatutupad pa ng Meralco ang rotational brownout ay nagrereklamo si Jessa Zaragoza.

Post ni Jessa sa kanyang FB account, “So confirmed na ba na araw araw na talaga mamamatay ang kuryente natin sa ating mga tahanan??! Rotational brownout ng Meralco.

“Hanggang kailan?! Kung kailan napaka-sukdulan ng init ng panahon. Hay…” dismayado pang say ng mahusay na singer.

Ngayong Mayo ay nakararanas ng matinding init ng panahon ang buong bansa kung saan pumapalo na nga sa danger level ang heat index.

Itinuturo rin itong dahilan kung bakit isa-isang nagkakaroon umano ng pagkasira ang mga power plants na pinagkukunan ng Meralco ng supply ng kuryente.

Naka-relate naman kay Jessa ang mga netizen sa kanyang post dahil sila rin ay apektado ng scheduled brownout sa buong bansa upang hindi umano magkulang ang supply ng kuryente.

Ilan pa nga sa kanila ay tila kinantahan na lang siya upang mabawasan ang init ng ulo nito.

“Parang di mo na po kaya, Ms. Jessa? Thinking of Jayda right now ngayong brownout.”

“Di ba’t ikaw ang siyang nagmulat sa aking mga mata. Di ba’t ikaw ang nagbigay sa akin nang saya (KURYENTI).”

“Kaya nga po eh. Sinong aking tatawagin? Sinong aking hahanapin?”

O di ba, yung lyrics ng kanta ni Jessa na Bakit Pa ay kinonek sa brownout? Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here