Home OPINION KALSADA HINDI SOLO NG KULAY PULA, DILAW AT PINK

KALSADA HINDI SOLO NG KULAY PULA, DILAW AT PINK

78
0

MULA noong late 60’s hanggang ngayon, laman ng mga kalsada ang mga militante o may pulang kulay tuwing may mga nagaganap na krisis sa pamahalaan o lipunan.

Kung hindi militante, mga may kulay dilaw o pink o puti naman ang lumitaw sa mga kalsada simula noong 1986 at makaraan nito.

Ngayon may nagtataglay na ng kulay berde habang may puti na kakaiba at bibihira ngunit malakas ang dating sa kalsada.

Itong mga kulay berde at kakaibang kulay puti ay kitang-kita na katapat na ng mga kulay pula, dilaw at pink.

Simbolo ang mga kulay ng mga nagpipingkian interes lalo na sa pulitika.

At ang malinaw rin na dala-dala ng mga kulay ay ang interes ding naglalaban-laban sa hanay ng mga mamamayan.

Isa pang mahalaga, tahimik ding nababanlian ng mga kulay maging ang mga nasa pamahalaan, maging ang hanay ng mga armadong pwersa ng pamahalaan gaya ng mga pulis at sundalo.

Sa pulitika ka nga pangunahing nakatuon ang mga pagkilos ng mga may dalang kulay.

Sapagkat kung sino ang makahahawak ng poder sa pulitika o pamahalaan, siya na rin ang makahahawak ng ekonomiya at iba pang usapin, maging ang patutunguhan ng bansa…kung sa tagumpay at pag-unlad o sa kabiguan at at kahirapan.

Ngunit may iba pang mga kulay na nagtataglay ng iba pang mga interes at sa maraming pagkakataon, sila ang nagdadala ng pangunahing pwersa para mabalewala ang anomang kulay na dala-dala ng sinomang Pinoy.

Ang mga dayuhang nagdadala ng ibang mga kulay ang isang dapat bantayan at labanan dahil labis silang makapangyarihan at sa kasaysayan ng Pinas, sila ang namamayani sa higit nang daang taon kaya hindi makaalpas-alpas ang Pinas sa kawalan ng tunay na kalayaang pambansa at ekonomiya.

Kailan kaya mabubuo ang iba’t ibang kulay-Pinoy laban sa dayuhang kulay para sa mga tunay na pambansang interes at pangkalahatang kagalingan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here