Home NATIONWIDE 1 patay sa hantavirus sa Colorado

1 patay sa hantavirus sa Colorado

55
0

USA – Isang indibidwal sa Colorado ang nasawi dahil sa hantavirus, ayon sa Colorado Department of Public Health and Environment, ngunit nilinaw ng mga opisyal na walang kaugnayan ang kaso sa kamakailang outbreak sa Dutch-flagged cruise ship na MV Hondius.

Ayon sa health authorities, karaniwan umanong lumalabas sa Colorado ang naturang strain ng hantavirus tuwing ganitong panahon ng taon at patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng exposure.

Karaniwang naipapasa ang hantavirus sa pamamagitan ng mga daga, bagamat posible rin ang bihirang human-to-human transmission kapag may matagal at malapit na contact. Maaaring umabot ng anim na linggo ang incubation period ng virus.

Kasabay nito, dumaong na sa Rotterdam nitong Lunes ang MV Hondius matapos maiulat ang hantavirus outbreak onboard noong unang bahagi ng buwan.

May sakay na humigit-kumulang 150 pasahero at crew mula sa 23 bansa ang barko nang makatanggap ng ulat ang World Health Organization noong Mayo 2 tungkol sa kumpol ng malulubhang respiratory illness.

Ayon sa WHO, tatlo na ang nasawi sa barko habang may walong kumpirmado at dalawang probable cases ng hantavirus na naitala kaugnay ng outbreak. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here