Home METRO P228M marijuana winasak sa Kalinga

P228M marijuana winasak sa Kalinga

54
0

MANILA, Philippines – Winasak ng Police Regional Office–Cordillera ang mga marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P228 milyon sa itinuturing na pinakamalaking eradication operation sa Mount Chumanchil, Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga mula Mayo 17 hanggang 18.

Ayon sa pulisya, nasa 1.14 milyong fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog sa 9.5-ektaryang taniman.

Itinaas din ng mga awtoridad ang bandila ng Pilipinas at nagtanim ng mga punla ng puno sa operasyon, na sumisimbolo umano sa kontrol ng pamahalaan sa lugar.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang nagtanim o nagpapatakbo ng plantasyon.

Matagal nang kilala ang Mount Chumanchil bilang lugar ng malalawak na taniman ng marijuana, at bagama’t madalas ang mga eradication operation, muling lumilitaw ang mga plantasyon makalipas ang ilang buwan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here