Home METRO Kelot na dumalo sa burol, nanaksak ng 4 katao

Kelot na dumalo sa burol, nanaksak ng 4 katao

43
0

DAVAO CITY – Arestado ang isang lalaki matapos manaksak ng apat na katao sa burol na kanyang dinaluhan sa Davao City, ayon sa mga awtoridad nitong Lunes.

Nangyari ang insidente sa Barangay Mulig, Toril noong madaling araw ng Sabado, batay sa ulat ng Davao police.

Ayon sa pulisya, pinauwi umano ang suspek ng isang lalaki, na ikinagalit nito.

Makalipas ang ilang minuto, bigla umanong sinaksak ng suspek ang lalaking nagpa-uwi sa kanya.

Sinubukan namang awatin ng tatlong indibidwal ang gulo ngunit sila rin ay nasaksak ng suspek.

Dinala sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang apat na biktima at nasa maayos nang kondisyon, ayon sa pulisya.

Dagdag ng mga awtoridad, nakatakda sana sanang magkasundo ang mga biktima at ang suspek kaugnay ng insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here